Scenario: May plano kami ng asawa ko na bumili ng bahay in three years. Kaya namin magset aside ng pera until that time. We plan to buy it in cash. Balak ko kasi i-invest para maggain yung pera habang wala pa yung target year namin. Are there any options?
Pangarap
ng maraming Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay. Medyo may
challenge talaga pag ipunan ito kasi sa Philippine setting, may mga
pagkakataon na kailangan mo itong ipunin ang pambili ng house and lot in CASH. Either takot ka sa
utang at mas mabubudget mo ang pera mo kung cash mo bibilhin at hindi
ka mauubliga maghulog buwan-buwan. Meron din naman kasing mga lugar
sa Pilipinas na hindi kinocover ng mga banks kaya no choice ka kundi
ipunin in cash. Mayroon naman din walang tyaga kumuha sa pag-ibig
kaya ipon in cash na lang din. At meron din namang nagbebenta ng
property na ayaw ng loan kundi cash.
Hindi
po ako expert sa real estate investing. Pero ang suggestion ko po ay
based din po sa na experience ko at na experience ng iba na nag ipon
para sa pagbili ng bahay in cash.Pwede din naman i-apply ang strategy na ito kung para sa down payment ng property na gusto nyo.
Saan
po ba dapat magsimula?
Una:
I-set nyo yung amount na pag iipunan nyo para sa inyong dream house and lot:
Ex.
Target: 1 Million savings for house and lot
Pangalawa:
Bigyan nyo ng time frame ang pag iipon. Ilang years ba bago mo maipon
yung target amount nyo? At magkano ang budget na kaya nyo i-save each
month to reach your housing fund goal? Importante po ang step na ito
kasi dito nyo po malalaman kung saan ang pinaka magandang investment
medium na pwede nyo paglagyan ng savings for house and lot.
Ex.
30000/month
for 3 years= 1.08 Million
17000/month
for 5 years= 1.02 Million
15000/month
for 6 years= 1.08 Million
10,000/month
for 9 years= 1.08 Million
Kung
cash nyo po bibilhin I suggest ipunin nyo po ng less than 5 years or
less. Kasi I-factor in nyo din po yung inflation. Meaning by the time
na nakapag-ipon na kayo tumaas na din ang presyo ng house and lot na gusto nyo. Yung kaya
nyong mabili ngayon sa halagang 1 milyon baka hindi lang po 1 milyon
ang presyo after more than 5 years. I will write an article about
this scenario naman din po. Abangan nyo na lang po ang susunod na
kabanata. :)
But
kung hindi talaga kaya, okay lang basta ipon ng ipon. What you can do
is to invest in a medium that can help your fund grow at kayang
sabayan ang inflation.
Pangatlo:
Alamin kung saan mo dapat ipunin ang pera para sa Pabahay Program nyo
para sa Pamilya.
Dito
po papasok ang Time Frame na na iset nyo sa 2nd
step.
Ano-ano
ba ang mga magandang options depende sa Time Frame na napili mo:
Kung
gagamitin in 1-5 Years Time ang Savings nyo for House and Lot:
- Savings Account: Opo yung pinakabasic. Magkaroon po kayo ng hiwalay na bank account para dito. Dito nyo po ilalagay yung pera nyo habang di nyo pa nabubuo ang minimum placement ng Time Deposit sa bank nyo.
- Time Deposit: Kapag naipon nyo na po yung minimum placement sa Time Deposit. Ilagay nyo po sya sa Time deposit at iadjust nyo na lang po ang maturity depende sa Target date po na gusto nyo.
- Money Market UITF/Mutual Fund- Option nyo po instead na Time Deposit. Piliin na lang po kung saan pinakaconvenient sa inyo iopen at iaccess. Tandaan po iba-iba ang klase ng UITF/Mutual Fund. Piliin nyo po yung MONEY MARKET. Hindi po Bond Fund, Equity Fund or Balanced Fund.
Humanap
or magresearch na lang po kayo kung saan banko pinaka maganda ang
interest rate at pinaka convenient sa inyo.
Bakit
sa mga conservative (maliit ang tubo) na investment medium ilalagay
ang Personal Pabahay Savings Program nyo na gagamitin nyo in 1-3
years. Bakit hindi sa mga VUL? stocks? Equity funds, Balanced Fund or
kahit sa Bond Fund man lang? Dahil po sa RISK na kaakibat ng
paglalagay ng pera nyo sa mga ito. Ang mga funds na ito ay mas
malaking potential palaguin ang pera nyo sa long term pero may
potential din lumiit ang fund value nyo lalo na kung sa mga unang
taon pa lamang ng pag iipon.
Sa
pag iipon ng pangbili ng bahay sa loob ng 1-3years time ang goal ay
Capital Preservation or hindi mabawasan ang principal or yung amount
na inipon nyo. At maganda din po kung ito ay liquid or pwede mo
makuha sa sandaling may tamang pagkakataon. Halimbawa. May kapitbahay
ka or kamag anak na biglaan nagbenta ng property at may sapat na pera
ka naman pambayad or pangdownpayment. Then Go. Kaya importante na sa
naunang 3 options ilagay ang pera.
Kung
5 years or more:
- Equity fund, index fund or Balanced Fund UITF/Mutual Fund: Mas malaking potential tumubo ang pera kung for long term ang investment. Pero habang lumalapit na kayo sa Deadline ng ipon at may kinita na ang inyong pera maganda na ilipat nyo na sya sa mga conservative options (Option 1-3).
- Stock Market- Kung wala po kayong alam sa stock market at wala pong experience pa. Leave stock markets sa mga experts na po. Wag po muna isugal ang Personal Pabahay Program Fund nyo dito dahil though malaki ang potential na tumubo ang pera nyo malaki din ang potential na malugi kayo. You cannot afford to take this great risk for your Personal Pabahay Program Fund.
Paano
naman yung VUL?
Lahat
po ng tao kailangan ng some sort of insurance. Kung wala pa po kayong
insurance kahit single or walang pamilya. Kumuha na po kayo sa lalong
madaling panahon. Basta make sure na may ibang budget po ito na bukod
po sa savings fund nyo na pambili ng bahay. Although may potential
din po lumago ang pera nyo sa VUL. Hindi po ito ang tamang vehicle or
investment medium para Personal Pabahay Program nyo. May calculator
na ginagamit para malaman ang insurance coverage na kailangan ng
isang tao or pamilya. Kumuha lamang po ng nararapat sa
pangangailangan nyo. May charges po ang VUL. Hindi nyo po
basta basta makukuha ang pera nyo lalo na kung sa sandaling panahon
po lamang nyo ito inilagay.
Pero
kung sa tingin nyo po kailangan nyo ng VUL or kahit term insurance
you can visit our Facebook page @ Pinoy Wealth Stewards and we will
be glad to help you choose the best options.
Paalala: Hindi po ito payo ng expert but kung nakakarelate ka pwede mo naman kunin yung mga idea na bagay at magwowork sa situation mo. Pero nasa sa iyo pa ding mga kamay ang iyong future.
Malaking
step po sa buhay ng isang tao ang bumili ng sariling bahay at lupa. Ito po ay
pinagiisipang mabuti at pinaghahandaan. Happy investing. Have a good
life. @ Pinoy Wealth Stewards.
No comments:
Post a Comment