Thursday, October 19, 2017

Educational Fund: Why Invest a portion of it in a VUL?


“Mabigyan ng sapat na edukasyon.” 
This is one of the most basic right of a child. Pangarap ng karamihang magulang ang mapagtapos ang kanilang mga anak. Isa ito sa pinakamalaking pagkakagastusan ng isang pamilya particulary pag nasa kolehiyo na ang bata.

Like in any other investments, mas maluwag at mas magaan kung maaga mo itong paghahandaan.

Marami kang pwedeng paglagakan ng investments/savings mo para sa iyong mga anak. Pwedeng stocks, UITF's, Mutual Funds, Time Deposits, Bonds etc. But why do we need to consider VUL as one of those options?

  1. Dahil ito ay may Insurance Coverage
    -Kung ikaw ay may sasakyan, how much ang premium na binabayaran mo sa insurance ng iyong sasakyan? Bakit ang sasakyan kailangang may insurance at ang bread winner ay pwede nang wala? Kung sakaling may mangyari sa bread winner, may income replacement na makukuha ang pamilya na maaring magamit para mapag aral ang anak in the future.
  2. A portion of your investment is invested in Stocks or Bonds
    -Part of your premium goes into the investment portion. Iniinvest ng mga fund managers ito sa ibat ibang investment medium, like stocks and bonds. Kung wala pang gaanong time or pagkakataon na pag aralan ang other investments, hindi mo na kailangan mamili or mag aral pa isat isa kung ano ang maganda. Sila na ang mag iinvest para sa atin. Habang tumatagal mas tumataas ang posibilidad na lumago ang investment natin or fund value. Possible gains is more than the current interest rates kung ilalagay lang sa time deposit or bank accounts and educational fund. We can use this Fund Value for our future financial goals kung sa discussion na ito para sa educational fund. Kung kukurot or babawas ka lang sa fund value mo at magtitira ka pa ng pondo sa iyong policy. Tuloy tuloy pa rin and insurance coverage mo as long as you will leave an amount that can cover the insurance charges. Mas bata ka, mas mura ang premiums at ang fund value mo ay mas may potential na lumago.
  3. Flexibility -And fund value na maaccumulate mo sa iyong policy ay maari mong gamitin kahit saan mo gustuhin. Hindi nakadepende sa eskwelahan or tuition ng bata ang makukuha mong funds.One of the main value of VUL is its flexibility. Kung sakali naman na may sapat
    na ipon ka na at hindi mo na kinailangan na iwithdraw ang fund value mo para mapag aral ang
    mga anak mo pwede mo naman gamitin sa ibang financial goals ang investment mo sa VUL.
    Pwede retirement fund, medical fund, travel fund etc.
  1. Diversification
    -Seasoned investors believe in the value of diversification in minimizing your risk. And I will suggest you diversify your educational fund as well. Do not put everything in VUL's. UITF's and Mutual Funds are other good options for these if wala gaanong time mag invest sa stocks. We encourage fund diversification for constant tips and reminders you can visit our Facebook site for updates.
  2. Multiple Payment Schemes
    -You have the option for Single play, 5-pay, 10-pay and Continuous pay. This depends on your preference.
  3. Estate Planning
    -If you have other investments, bank accounts and properties, your beneficiaries can use the proceeds from your VUL's to pay for your estate tax. Kaysa mamroblema pa sila at mag penalty.
  4. Forced Savings:
    -You are reminded to continuously pay your premiums for a particular financial goal. Some people ay nahihirapan magtabi dahil sa iba't ibang pagkakagastusan. Mas mabuti na may naipon kaysa naman makaligtaan magtabi dahils a dami ng gastusin.
  5. Options to Add Riders:
    -You can customize your plan to include other Riders or features. Pwede Critical Ill ness benefit (important)/Hospital Income Benefit/Accidental Death and Dismemberment Benefit and the likes.

Disadvantages:
  1. Your investment has insurance charges. Meaning not all of your premiums goes into your fund value. That's why at the beginning or usually at the first 5 years of your investment, the fund value is usually less than your total premiums paid. But of course your insurance coverage is intact.
  2. The actual fund value amount is not guaranteed. Like in investing in UITF's, Mutual Funds, Stocks your fund value can decline depending on the market and fund performance.
  3. Your investment should be in for the long term. You cannot withdraw it right away. Not intended as an Emergency fund. Ideally 10 years or more placement is advised. Minimum of at least 5 years. The longer the better.

Traditional Educational Plan VS VUL

Sunlife also has the Traditional Educational Plan. Its features is almost the same as those of the VUL. Their main difference are:

Guaranteed VS. Variable
In the Traditional Educational Plan the benefits are guaranteed. Meaning they are not affected by the market performance.

Premium Price
The Premium is higher compared to VUL for the same coverage.

Potential Returns
VUL have higher potential returns compared to traditional Educational Plan.

Maturity
Fund Value of VUL can be withdrawn anytime. Traditional plans has Cash Value that you can loan for a certain interest if the policy is not yet matured.

Traditional Plan has a minimum holding period of 12 years. 

Payment
Traditional plans can be paid using your Credit Card. VUL plans can't be paid using Credit Card.


Why Invest with Sunlife?
Our company is one of the most trusted and one of the best performing company in the industry. In terms of Fund performance, our mutual funds performs well and this affects the returns for your Fund Value for VUL's and Dividends for your Traditional Educational Fund.

Wednesday, October 11, 2017

Ipon Pangbili ng House and Lot - Saan mo Ilalagay?



Scenario: May plano kami ng asawa ko na bumili ng bahay in three years. Kaya namin magset aside ng pera until that time. We plan to buy it in cash. Balak ko kasi i-invest para maggain yung pera habang wala pa yung target year namin. Are there any options?


Pangarap ng maraming Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay. Medyo may challenge talaga pag ipunan ito kasi sa Philippine setting, may mga pagkakataon na kailangan mo itong ipunin ang pambili ng house and lot in CASH. Either takot ka sa utang at mas mabubudget mo ang pera mo kung cash mo bibilhin at hindi ka mauubliga maghulog buwan-buwan. Meron din naman kasing mga lugar sa Pilipinas na hindi kinocover ng mga banks kaya no choice ka kundi ipunin in cash. Mayroon naman din walang tyaga kumuha sa pag-ibig kaya ipon in cash na lang din. At meron din namang nagbebenta ng property na ayaw ng loan kundi cash. 

Hindi po ako expert sa real estate investing. Pero ang suggestion ko po ay based din po sa na experience ko at na experience ng iba na nag ipon para sa pagbili ng bahay in cash.Pwede din naman i-apply ang strategy na ito kung para sa down payment ng property na gusto nyo.


Saan po ba dapat magsimula?

Una: I-set nyo yung amount na pag iipunan nyo para sa inyong dream house and lot:
Ex. Target: 1 Million savings for house and lot 

Pangalawa: Bigyan nyo ng time frame ang pag iipon. Ilang years ba bago mo maipon yung target amount nyo? At magkano ang budget na kaya nyo i-save each month to reach your housing fund goal? Importante po ang step na ito kasi dito nyo po malalaman kung saan ang pinaka magandang investment medium na pwede nyo paglagyan ng savings for house and lot.
Ex.
30000/month for 3 years= 1.08 Million
17000/month for 5 years= 1.02 Million
15000/month for 6 years= 1.08 Million
10,000/month for 9 years= 1.08 Million

Kung cash nyo po bibilhin I suggest ipunin nyo po ng less than 5 years or less. Kasi I-factor in nyo din po yung inflation. Meaning by the time na nakapag-ipon na kayo tumaas na din ang presyo ng house and lot na gusto nyo. Yung kaya nyong mabili ngayon sa halagang 1 milyon baka hindi lang po 1 milyon ang presyo after more than 5 years. I will write an article about this scenario naman din po. Abangan nyo na lang po ang susunod na kabanata. :)

But kung hindi talaga kaya, okay lang basta ipon ng ipon. What you can do is to invest in a medium that can help your fund grow at kayang sabayan ang inflation.

Pangatlo: Alamin kung saan mo dapat ipunin ang pera para sa Pabahay Program nyo para sa Pamilya.

Dito po papasok ang Time Frame na na iset nyo sa 2nd step.
Ano-ano ba ang mga magandang options depende sa Time Frame na napili mo:

Kung gagamitin in 1-5 Years Time ang Savings nyo for House and Lot:
  1. Savings Account: Opo yung pinakabasic. Magkaroon po kayo ng hiwalay na bank account para dito. Dito nyo po ilalagay yung pera nyo habang di nyo pa nabubuo ang minimum placement ng Time Deposit sa bank nyo.
  2. Time Deposit: Kapag naipon nyo na po yung minimum placement sa Time Deposit. Ilagay nyo po sya sa Time deposit at iadjust nyo na lang po ang maturity depende sa Target date po na gusto nyo.
  3. Money Market UITF/Mutual Fund- Option nyo po instead na Time Deposit. Piliin na lang po kung saan pinakaconvenient sa inyo iopen at iaccess. Tandaan po iba-iba ang klase ng UITF/Mutual Fund. Piliin nyo po yung MONEY MARKET. Hindi po Bond Fund, Equity Fund or Balanced Fund.

Humanap or magresearch na lang po kayo kung saan banko pinaka maganda ang interest rate at pinaka convenient sa inyo.

Bakit sa mga conservative (maliit ang tubo) na investment medium ilalagay ang Personal Pabahay Savings Program nyo na gagamitin nyo in 1-3 years. Bakit hindi sa mga VUL? stocks? Equity funds, Balanced Fund or kahit sa Bond Fund man lang? Dahil po sa RISK na kaakibat ng paglalagay ng pera nyo sa mga ito. Ang mga funds na ito ay mas malaking potential palaguin ang pera nyo sa long term pero may potential din lumiit ang fund value nyo lalo na kung sa mga unang taon pa lamang ng pag iipon.

Sa pag iipon ng pangbili ng bahay sa loob ng 1-3years time ang goal ay Capital Preservation or hindi mabawasan ang principal or yung amount na inipon nyo. At maganda din po kung ito ay liquid or pwede mo makuha sa sandaling may tamang pagkakataon. Halimbawa. May kapitbahay ka or kamag anak na biglaan nagbenta ng property at may sapat na pera ka naman pambayad or pangdownpayment. Then Go. Kaya importante na sa naunang 3 options ilagay ang pera.

Kung 5 years or more:
  1. Equity fund, index fund or Balanced Fund UITF/Mutual Fund: Mas malaking potential tumubo ang pera kung for long term ang investment. Pero habang lumalapit na kayo sa Deadline ng ipon at may kinita na ang inyong pera maganda na ilipat nyo na sya sa mga conservative options (Option 1-3).
  2. Stock Market- Kung wala po kayong alam sa stock market at wala pong experience pa. Leave stock markets sa mga experts na po. Wag po muna isugal ang Personal Pabahay Program Fund nyo dito dahil though malaki ang potential na tumubo ang pera nyo malaki din ang potential na malugi kayo. You cannot afford to take this great risk for your Personal Pabahay Program Fund.

Paano naman yung VUL?
Lahat po ng tao kailangan ng some sort of insurance. Kung wala pa po kayong insurance kahit single or walang pamilya. Kumuha na po kayo sa lalong madaling panahon. Basta make sure na may ibang budget po ito na bukod po sa savings fund nyo na pambili ng bahay. Although may potential din po lumago ang pera nyo sa VUL. Hindi po ito ang tamang vehicle or investment medium para Personal Pabahay Program nyo. May calculator na ginagamit para malaman ang insurance coverage na kailangan ng isang tao or pamilya. Kumuha lamang po ng nararapat sa pangangailangan nyo. May charges po ang VUL. Hindi nyo po basta basta makukuha ang pera nyo lalo na kung sa sandaling panahon po lamang nyo ito inilagay.

Pero kung sa tingin nyo po kailangan nyo ng VUL or kahit term insurance you can visit our Facebook page @ Pinoy Wealth Stewards and we will be glad to help you choose the best options.


Paalala: Hindi po ito payo ng expert but kung nakakarelate ka pwede mo naman kunin yung mga idea na bagay at magwowork sa situation mo. Pero nasa sa iyo pa ding mga kamay ang iyong future. 

Malaking step po sa buhay ng isang tao ang bumili ng sariling bahay at lupa. Ito po ay pinagiisipang mabuti at pinaghahandaan. Happy investing. Have a good life. @ Pinoy Wealth Stewards.